Sermon
Devotional Daily: Kawikaan 3:5-6
Publisher transcript
Transcript
-
Magandang umaga po sa inyong lahat. Ang ating Devotional Daily.
-
Ngayong araw, basahin natin ang Kawikaan Tatlo, 5 Tandang Bawas 6.
-
Pagkatiwalaan mo ang Panginoon ang buong puso mo at huwag
-
kang manalig sa iyong sariling katalinuhan. Sa lahat ng iyong
-
mga daan, siya'y iyong kilalanin at kanyang ituturo ang iyong
-
mga landas. Mga kapatid, isipin po natin ito. Magtitiwala ka
-
ba ng lubos o may mga bahagi ng buhay mo
-
na hawak mo pa rin sa sarili mong kamay? Ang
-
Panginoon ay hindi humihingi ng perpekto. Humihingi siya ng tapat.
-
Ibig sabihin, dadalhin mo sa kanya ang lahat, hindi dahil
-
kaya mo, kundi dahil gusto.
-
Mong malaman niya.
-
Ngayong araw, bago ka gumawa ng anumang desisyon, tahimik ka
-
munang sandali. Isiping may kasama kang Diyos na hindi ka pababayaan.
-
Manalangin tayo. Panginoon, turuan mo po kaming magtiwala sa iyo
-
ng buong puso. Alisin mo po ang anumang takot, anumang pag-aalilangan.
-
Ihantong mo po ang aming mga hakbang sa tamang landas.
-
Naway ang iyong kapayapaan ay sumaatin ngayong araw. Amen.